KASIBULAN (2022)

Sumapit na ang buwan
Ang buwan ng iyong kapanganakan
Binata o dalaga na ang pangalan
Sa kasibulan ng ating kabataan

 

Sing sigla ng pagsibol ng bulaklak
Sabay ng pagluha’t paghalakhak
Samu’t saring palamuti’t kulay
Sinasabing rurok ng ating buhay

 

Araw ng pagpasok sa eskwela
Na dito nakilala’t nakasama
Bumuo ng kwento’t mga tula
Na baon hanggang sa pagtanda

 

Tumibok rin ang iyong puso
Sa nakilalang naka-Maroon na polo
Bagama’t ‘di nakausap itong tao
Dinala ang Disyembre sa Hulyo


Sumulat ka rin ng liham at tula
Sa inibig mo’t sinisinta
Ng madling pagsusumamo’t dalita
Ang ano at bakit ng pag-ibig sa kaniya


Dumating ang 'di inaasahan
Ang mga saya ay natuldukan
Lumiit ang mundong ginagalawan
Lumaki ang agwat ng pagkakaibigan


Sa kasibulan ng ating kabataan
Mga karanasan at kwentuhan
Mga pagsimangot at pag-ngiti
Palaging babaunin hanggang magkitang muli



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...