AKING MGA TULA (2021)

 

Tangayin na lang ng hangin ang aking mga tula

Kasabay ng aking yakap at pagsinta

Isabay na lang ng alon ang aking mga tula

Kasabay ng aking mga pagtawa’t pagluha

Ibuhos na lang ng lakas ng bagyo ang aking tula

Kasabay ng aking pagsusumamo na ako’y mahalin na

 

Kung makarating na sa ‘yo ang aking mga tula

Sana kasabay noon ang aking paglaya

Sa pagmamahal na ako ang nagpaubaya

Sana dumating ang araw na babalik ang sigla

Sigla sa iyong matatamis na ngiti at mapupungay na mata

Kahit na hindi ako ang dahilan niyon, tanggap ko na

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...