Bakit 'di na tayo nagpapansinan?
Bakit naman biglaan?
Iyo na bang kinalimutan
Mga araw na ating pinagsamahan
Nakalulungkot sa tuwing binabalikan
Alaalang ating pinagsaluhan
Itatapon na lang bang tuluyan
Para 'di na masaktan
Tadhana na ang nagturo
Pero 'di pa rin natuto
Kaya't sa huling yugto
Paalam sa kwentong ating binuo