GANOON BA AKO KAHIRAP MAHALIN? (2022)

Kasing hirap ba ng bundok kung akyatin

Kasing hirap ba ng dagat kung sisirin

Kasing hirap ba ng gubat kung lakbayin 

Ganoon ba ako kahirap mahalin?


Bakit mas madaling sabihin ang salitang matatalim

Kaysa sa mga salitang magpapahilom sa sugat na malalim

Bakit mas madaling iwanan ako sa dilim

Kaysa samahan sa liwanag ng takipsilim


Ang pangarap kong dati'y pataas ang paghatak

Ngayo'y tila isang ibong pinutulan ng pakpak

'Di makaalpas sa mga daluyong ng buhay

Naghihintay ng iyong pagtulong at pag-agapay

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...