Ikaw ang araw, at ako ang buwan
Kapwa isinumpang walang hanggan
Na magtatagpong saglit at mabilisan
At habambuhay magkakasalisihan
Ang iyong mga matitingkad na ngiti
Ang nagsisilbing bituin sa kadiliman ng gabi
Ngunit sa pagsapit ng sikat ng araw
Ikaw ay hindi ko na matanaw
Marahil ito ang takbo ng ating kwento
Magmamahalan ngunit 'di magkakatuluyan
Salamat dahil kahit sa sandaling pag-inog ng mundo ko sa 'yo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento