SA SIMULA NG KATAPUSAN, SA KATAPUSAN NG SIMULA (2021)

Sa simula ng katapusan

Sa katapusan ng simula 

Sa gitna ng kawalan

Sa gitna ng kakapusan


Sa kabaong inilagay

Ang pabaon na pinaghintay

Sa kamatayan pinaghiwalay

Ang nananumbalik na kulay


Ang landas na nagwakas

Ang landas na nagbukas

Saan dadalhin ng lakas?

Itutuloy ba o tatakas?




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...