Sa maskara nagkukubli
Ang katahimikang nakabibingi
Sa maskara sasanggi
Ang katotohanang mahahapdi
Sa entablado nagtatanghal
Ang mga hipokrito't hangal
Sa entablado sumisinghal
Ang mga lipunang pagal
Ang teatrong sumasalamin
Sa kasalanang 'di inaamin
Ang teatrong repleksiyon
Sa taong nilamon ng korupsiyon
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento