Darating ba ang araw?
Ang araw na malaya nating lalakbayin ang mundo
Ang araw na malayang mahalin ang 'sang tulad mo
Kailan kaya iyon? Maghihintay ako
Maghihintay ako hanggang sa panahon
Ang panahon na sabay tayong tatalon at aahon
Ang panahon na sabay sa pagtulog at pagbangon
Kailan kaya iyon? Sana iyon ay aking abutin pa
Kung ito man ay abutin ko
Labis-labis na tuwa at nag-uumapaw na pag-ibig
Ang siyang maghahari sa nag-iisang nating daigdig
'Di na ako makapaghintay na lasapin ang sandaling iyon.