KUNG KASALANAN ANG SA'YO'Y UMIBIG (2021)


Kung kasalanan ang sa'yo'y umibig

Bakit kay busilak ng iyong tinig?

Bakit tila ka anghel kung tumititig?

Kung trahedya ang ating pag-ibig


Kung kasalanan ang sa'yo'y magmahal

Araw-araw akong magkukumpisal

Sasamahan pa ng nobena at dasal

Dahil ako ay minsan lang magmahal


Kung isusulat muli ang ating pag-iibigan

Hiling ko sana ay pahintulutan

Na ang wakas nami'y sa isang kasalan

At hindi na sa kasalanan



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...