ISANG PAGBATI, ISANG PAALAM (2021)


Payapang kalangitan
Hanging banayad
Punong luntian
Tahimik na paglakad

Magaan na pakiramdam
Maliwanag na araw
Isang pagbati, isang paalam
Magkasandal na sumasayaw

Asul na karagatan
Gintong kapatagan
Simoy ng amihan
Halamang nagsasayawan

Nahukay na kayamanan
Ginto, pilak, at tanso
Natagpuan ko't nasumpungan
Galak ang dala sa puso

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...