PAPA DENNIS TRILLO MEMORABLE EXPERIENCE (2024)

Bata palang ako. Alam ko na. Alam ko nang bakla ako. Mas gusto ko ang Barbie at lutu-lutuan na laruan kaysa sa baril-barilan at kotse-kotsehan. Mas gusto ko rin ang chinese garter at ten-twenty kaysa sa maging basagulero.

At crush na crush ko si Dennis Trillo, apat na taong gulang palang ako. Kinikiss ko pa nga siya sa screen ng TV namin dati. Tuwang-tuwa pa ang nagbabantay sa'kin. Doon na rin na-confirm ng pamilya ko na bakla ako. Kasi nagkakagusto ako sa lalaki kahit lalaki ako.

Anyway, nitong November 19, 2024. Bumisita ang Pulang Araw Campus Tour sa amin sa PUP-College of Communication. Pero a few days prior to the event ay alam na namin ito because sinabihan kami ng professor namin na mag-face-to-face class kami ng morning then required kami pumunta sa event after. 

Ilan din sa mga friends ko ang nakatoka sa event kaya tinanong ko agad kung sino ang pupunta. Sabi nila pupunta si Dennis Trillo. 

At alam ko na ang gagawin ko: MAGPAPANSIN KAY PAPA DENNIS. <3 

Siya kasi talaga ang ultimate crush ko ever since bata palang ako and na-reignite iyon nang mapanood ko ang mga proyekto niyang Aishite Imasu 1941, Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend, at ang kabogerang Maria Clara at Ibarra. Super versatile na aktor talaga niya ang pungay pa ng mata sa screen pag tumitig.

Fast forward sa mismong araw, sinabihan ko ulit ang friends ko na tawagin ako pag Q&A part na dahil magpapasabog ako malala. 

At ayan na pumasok na si Papa Dennis. Kaya tumili ako nang super lakas. Never in my life ako gumawa nang ganon para sa lalaki. Never rin ako sumigaw masyado unless friend ko 'yung nasa stage.

Ampogi niya sa harapan ng stage tapos tinapatan pa siya ng ilaw. Napaka-ARGHHH. Kaya mas lalo akong makikipagkrompalan na kaya kong makipagsabayan nang pasabog sa isang daang mahigit na COCian sa loob ng Tanghalan.

Nung una ay feeling ko hindi ako matatawag kasi may iba munag tinawag. Kaya medyo na-down ako. Pero 'di pa rin ako gumive-up 'no. Kaya nang magtatawag ulit sa side namin ay tinili ko na ito nang bongga 'yung tipo ng tili na hindi ako makakapagsalita kinabukasan. Ganon! Kaya finally tinawag na ako.

At ang tanong ko ay matagal kong pinag-isipan... prinaktis ko pa 'yan sa salamin ng CR namin. Ganong level ng preparation. Pero kasi marami akong runs ng questions & introductions ko so sa paghawak ko ng mikropono ay bahala na...

Pagbigay sa'kin ng mikropono ay sinabi ko ang mahiwagang introduksiyon --- "Ako po si Jennylyn Mercado also known as Geomari Dominguez." More like Jennylyn Pasmado siya d'yan.

Tapos pinalapit ako sa harapan ng stage. Doon na ako nagwala as in...

"Papa Dennis Trillo crush na crush po kita as in. Bata palang po ako kinikiss ko na ang screen ng TV pag andon po kayo. Four years old po ako no'n tapos Gagambino po 'yung palabas niyo. AHHHH! Pwede pong papicture mamaya. Kunin niyo po akong PA niyo!"

Tawa nang tawa si Papa Dennis at nag-squint pa ang mata niya nang sabihin ko ang Gagambino. Well, based on my research ay 4 years old ako  nung ilabas ito mga 2009.

Tapos sumagot si Papa Dennis na picture raw kami mamaya. Puntahan ko raw siya.

Then inask na ako kung sino ang tatanungin ko at ano ang itatanong ko.

Sabi ko, "Ang aking baby loves. Papa Dennis."

Natawa ulit si Papa Dennis sa mga kalokohan ko. Ngayon siya nakakuha talaga ng katapat niya sa mga kalokohan niya sa TikTok.

Then, inask ko na ay paano nakatulong sa kaniya 'yung character niya sa Aishite Imasu 1941 kung saan ito rin ay about sa Japanese occupation sa kanyang karakter ngayon sa Pulang Araw.

Then bago siya sumagot ay pinaakyat ako sa stage ng co-host, si Karl.

Pag akyat ko sa stage ay 'di ko alam ang gagawin ko pero nasa bulsa ko na ang cellphone ko.

Tumayo na rin si Papa Dennis para salubungin ako.

Pag lapit ko sa kaniya ay nilahad ko ang aking mga kamay para mag-shake hands sana kami.

Pero bigla niyang nilahad ang dalawang braso niya at inaya akong yakapin siya.

(Courtesy of The Communicator)

Kaya yumakap na rin ako sa kaniya. 

Kumakabog-kabog ang dibdib ko dahil unexpected siya. 

'Yung dating kinikiss ko sa TV Screen ay kayakap at kalingkisan ko na ngayon!?

Grabe ang saya ng puso ko. Naramdaman ko pang hinalikan niya ang ulo ko.

(Courtesy of Quadro Photography Club)

Nanghina talaga ang tuhod ng bakla.

Kaya after niya akong yakapin sinabihan niya akong, "Salamat sa suporta ha."

Inakbayan pa niya ako. 

Habang sumasagot siya sa tanong ko ay hindi ako bumaba ng stage para titigan siya nang malapitan. Para siyang si Tom Cruise sa malapitan. Ang pungay ng mata. Ang tangos ng ilong. Ang pogi kaya 'di talaga ako nagsisi na crush ko 'to ever since.

Tapos ayun nakipag-kamay siya sa akin. Then bumaba na ako.

'Di nga lang kami nakapag-selfie pero grabe ang yakapan naman <3


'DI KO ALAM??? (2024)

'Di ko alam kung bakit ba?
Ganito aking nadarama
Parang umiikot ang sikmura
Gustong sumigaw pero walang mabuga

Sana'y tumingin ka muna
Sana'y kahit saglit pwedeng huminga
Tumutuloy pero hindi ko na maintindihan
Bakit 'di niyo ako makita at maunawaan


Kahit kailan kung anu-ano na lang ang naiisip
Paano kung ako'y matagal na managinip
Na ako raw ay nawala, naligaw, napinid
May maghahanap kaya sa akin, 'di ko mababatid.

PS.
Nitong nakaraan parang lagi akong nahihilo. 
Pipitik bigla tapos wala na ako. 
Malungkot na. Gusto mapag-isa. Naluluha.
Parang lagi akong pagod. Kahit sapat ang tulog.
Pakiramdam ko rin wala akong pakiramdam.
Parang nakakulong ako. Pero nakabukas ang pinto.
Parang naduduwal. Pero nalalasahan ko'y asukal.
Gusto ko na lang siguro mawala at magwala
Wala naman siguro mag-aalala.

MATIPID KUNG MANGUSAP, GASTADOR KUNG SUMULAT (2024)

Matipid siya kung sa'yo'y mangusap

Palagi ring nakatingalasa puting ulap

Kakaunti mang salita sa kaniyang pangungusap

Bawat letra, bawat salitang inuusal ay malalasap


Mga titik na kaniyang sinisinop bigkasin

Inihuhulog, iniipon sa alkansiyang bibitbitin

At  gagastahin ang inimbak na mga dugo't pawis sa pagsulat

Upang ang kinukubling damdamin ay maihayag at maisiwalat


"What my mouth won't speak. My pen would bleed."

BABASAGIN (2024)

Isang garapong babasagin 

Naghihintay maging sanlibong bubog

Nanlalabo ang salamin

Binabalot ng buntong-hiningang hamog


Sinidlan ng mantikang kumukulo

Inaakalang mabilis itong makakatulog

Umapaw hanggang sa bibig tumulo

Sumuka mula labis na pagkabusog


Hanggang sa ito'y matabig, matulak 

'Di nabasag,'di nabubog — nagbitak-bitak 

Kaya't pasundot-sundot ang pagsirit

Ang pagkabasag ay nahinog sa pilit

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...