MASKARA O REPRESENTASYON: REPLEKSYONG PAPEL SA I’M DRUNK, I LOVE YOU (2024)

May kapangyarihan. May kalayaan. May kakayahan. Ganiyan inilarawan ni Stuart Hall ang mga konsyumer ng mass media sa kaniyang sanaysay na, “Encoding and Decoding in Television Discourse.” Dagdag pa niya, maaaring gumawa ng sariling interpretasyon ang audience kaiba sa itinakdang mensahe ng producer. Maikakategorya itong interpretasyon sa dominant reading (sumasang-ayon), oppositional reading (tumataliwas), at negotiated reading (sumasang-ayon pero tumataliwas) ang interpretasyon ng mga audience. Tinalakay din na malaking bahagi ng pag-decode o pag-interpret ng audience ay nakabatay sa kanilang sariling kultura, estado sa buhay, at mga paniniwala.


Sa pagpapatuloy, nais kong gawing halimbawa ang pelikula ni Direk JP Habac na “I’m Drunk, I Love You.” Kinukuwento nito si Carson (Maja Salvador) na matagal nang may gusto kay Dio (Paolo Avelino) pero hindi niya maamin dahil kaibigan lang ang tingin nito sa kaniya.


Negotiated reading ang naging interpretasyon ko sa pelikulang ito. Bagaman maykoneksyon akong nabuo sa bida ay hindi naman naging ganap ang representasyon ng mga tauhan sa kagaya kong bahagi ng LGBTQIA++ Community. Dahil base sa signs ng kwento, ito ay tungkol sa mga queer na nagkakagusto sa straight nilang kaibigan. Ngunit para tangikilikin ng masa ay pinagmaskara ito sa mukha ng isang babae at isang lalaki. Pinatotohanan naman ito ni Direk JP kung saan binanggit niya sa isang artikulo na,“Gumawa ako ng mga palabas na naka-mask siya sa mukha ng mga babae at lalaki iyong kuwento. How does that represent me?” 


Pero mas lalo akong napamahal sa pelikulang ito nang maibahagi ng direktor na base ito sa kaniyang tunay na karanasan. Kaya nakabuo ako ng personal na koneksyon sa tila nakatagong representasyon ng pelikulang ito. Magandang punto rin ng relatability ang kabalintunaan sa pagiging Iskolar ng Bayan na pinipitagang matalino ng ating mga kababayan, pero nagpapakatanga sa pag-ibig. Isa pa ang pagkakalahad na hindi naman kasalanan ni Dio na hindi niya mahal si Carson ay isang linyang punong-puno ng damdamin at kariktan. At ang pagkakadugtong sa hulihang bahagi ng pag-graduate ni Carson sa kolehiyo kasabay ang pag-graduate ng feelings niya kay Dio ay isang tugmang parallelism ng pagkukwento.

Sa paglalagom bilang konsyumer, hindi man akma ang naging representasyon ng pelikula base sa mga gumanap sa karakter dahil sa pagmamaskara dito, dumaloy pa rin nang maayos ang pagkukuwento ng salaysay ng mga LGBTQIA++ members na siyang mensahe ng direktor sa kaniyang pelikula.


SANGGUNIAN

  • Aligwe, Hygeinus & Nwafor, Kenneth & Alegu, Johnson. (2018). Stuart Hall's Encoding-Decoding Model: A Critique. World Applied Sciences Journal. 36. 1019-1023. 10.5829/idosi.wasj.2018.1019.1023.
  • Bofill, A., & Clemente, B. (2020, December 20). JP Habac and the blooming of queer narratives. The LaSallian. https://thelasallian.com/2020/12/20/jp-habac-and-the-blooming-of-queer-narratives/

ZOO (2024)

Tinakbo at kinuha ang iyong kabataan

Inilayo ka sa iyong tunay na tahanan

Pagkatapos ay nilagay ka sa kulungan

Na nagmamaskarang palamuting libangan


Mas masahol pa ito sa mailap na kagubatan

Dahil magadamag kang tinititiga't minamasdan

Ang buhay mo'y piangmimistulang tampulan

Ng tawanan, pero sila lang ang nagkakasiyahan


Nag-iisa kang tinatampok sa malungkot mong entablado

Tila ka laruan sa libingan mong kwadradong museo

Makakawala ka ba sa mga tingin ng sanlibong mga tao

Gusto magpahinga nang matagal at tuluyan na lang magtago

 

BAD DECISIONS (2024)

 Me and my bad decisions

We go along like smooth relations

But how did I get to be this way?

Maybe it's only for today


All I did was like a man

Then my suffering all began

Are this punches and kicks enough?

For you to justify me being tough?


I have been questioning

Why do I keep myself hiding

Behind close doors and sturdy walls

I guess I'll never grow some balls

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...