PAGEWANG-GEWANG (2024)

 Humihingi ako ng paumanhin dahil minahal kita

Kahit wala pa akong kamuwang-muwang sa pag-ibig

Dahil kapag ako'y sumulyap sa mapupungay mong mata

Tila ako ay nasa isang marikit at matingkad na panaginip 


Pinigil ko naman pero mas lalong nahulog lang

Isa kang balong malalim na sinasalukan ko ng paghanga't pagmamahal

Ngunit iisa lang ang iyong tinitigna't sinisintang nilalang

Pero narito ang puso kong pumipintig sa'yong parang hangal


May pangarap ka't inaasam para paglingkuran ang taumbayan

Matamis ang dila't simpatikong ginoo sa nakakadaupang-palad

Subalit kung ako'y tatanungin sadyang maramot ang tadhana lumaban

Pagkat pinagtagpo tayong pagewang-gewang ang takbo ko't ikaw ay diretso ang lakad

TIGNAN NANG DIRETSO (2024)

Malakas din naman ang karisma ko

Pero hindi ako ang tipo mo

Kaya ko rin namang makinig sa'yo

Pero nagkataong lalaki ako


Hindi rin naman kita masisisi

Kung hindi mo nakikita ang sarili

Umibig sa akin pagkat hindi madali

Kaya't itong pag-ibig ay mananatiling pipi


Kung sa susunod na magkita muli tayo

Kung sa Gilmore, Pureza, o sa Recto

Sana'y kaya kitang tignan nang diretso

'Yung hindi na ako umaasa ng kahit ano


PS: Shemalu anu ba nmn i2 bat mu ko inaask ng love story e toy story tau. LARO H E H E ... Narinig ko pa pano kau ng gf mo. Pag inggit, pikit. Kaya ngaun nakapikit pa rin talaga AJ3J3J3


LIBRA (2024)

 Ikaw ang pagsubok na nais kong pagdaanan

Habang nakapiring ang mga mata at hawak ang timbangan 

Dumating nang biglaan sa aking harapan

Hindi ko naman kailangan pero nagugustuhan


Nangako man sa sariling hindi na ulit mahuhulog

Pero ang sumpa'y saglit ko munang pinatulog

Pilit kong inaapula ang damdaming unti-unting nasusunog

Dahil ikaw ay umiibig, kaya't ako'y 'di na

dudulog


Ako man ang nagturo pero sa'yo'y mata'y muling natuto't namulat

Mga mata kong dati'y nakapikit ngayo'y dagling dumilat

Ngunit tunay kong nadarama'y hindi ko na  isisiwalat

Pagkat masasaktan lamang ang puso kung sa'yo'y magtatapat


PS. Empachuweyshun lang siguro 'to. Baka bukas wala na...

Sana nga bukas wala na...

Pero nakaka-enjoy ma-hurt ulit.


Update: gu$2 p@ r3N

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...