Mahirap maging kakaiba
Pilit ka nilang ibababa
Wala ka ng magagawa
Kundi magparaya
Ikaw man ay nakagapos
Pilit na binubasabos
Magtiwalang ito'y matatapos
Lalabanan ang taliwas na agos
"Sa mga mahahalimuyak at makukulay na bulaklak ng aking kabataang naisatitik para sa alaalang aking sasariwain at babalik-balikan."
Mahirap maging kakaiba
Pilit ka nilang ibababa
Wala ka ng magagawa
Kundi magparaya
Ikaw man ay nakagapos
Pilit na binubasabos
Magtiwalang ito'y matatapos
Lalabanan ang taliwas na agos
Sa likod ng masisiglang ngiti
Doon inililihim, doon ikinukubli
Ang lamparang malapit nang mapundi
Kaya't sinasakop na ng kadiliman ng gabi
Aking isasatitik ang ating kwento
Kwentong minsang nagpainog sa'king mundo
Sa aking puso ay muling tinuro
Mga nalipasang aral na ginto
Mga kaibigang nakasama ko
Sa kuwadradong entablado
Sa paghahanap ng kasagutan
Sa pagtuklas ng kahulugan
Dinalumat ang salitang samahan
Pinaglayo't pinaghiwalay man
Mananatili''t mananahan
Sa nobelang kayo ang mga tauhan
Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...