NOBELA (2022)

Aking isasatitik ang ating kwento

Kwentong minsang nagpainog sa'king mundo

Sa aking puso ay muling tinuro 

Mga nalipasang aral na ginto


Mga kaibigang nakasama ko

Sa  kuwadradong entablado

Sa paghahanap ng kasagutan

Sa pagtuklas ng kahulugan 


Dinalumat ang salitang samahan

Pinaglayo't pinaghiwalay man 

Mananatili''t mananahan

Sa nobelang kayo ang mga tauhan


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...