Ayaw ko ng masasayang alaala
Dahil pinapaalala nito na ang daya
Ang daya-daya ng tadhana
Na ipaparanas sa'yo pero babawiin bigla
Maski ang ngiti ay pawang pilit na sandali
Mga labi na pagsisinungaling ay kinunsinti
Dahil sa likod ng maskara ang nagkukubli
Ay mga sugat na sariwa at mahapdi
Makailang hakbang man ang lakarin
Ang multo ng nakaraan ay nakakahabol pa rin
Sa kailaliman ng dagat ng sakit ay sisisirin
Kahit hindi ikaw ang salarin, ikaw pa rin ang sisisihin
Hindi ka nila bibigyan ng panahon
Para paghilumin ang sugatan mong damdamin
Bagkus susugatan ka nang susugatan
Hanggang sa maging patay na nga at tatanungin nila: Sino ang may gawa?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento