#LetTheEarthBreathe & #Eleksyon2022 (2022)

#LetTheEarthBreathe

Naghihingalo't humihikbi

Mundo nating dating maliksi

Pagkat ang tao'y humihindi

Sa pagiging katiwalang mabuti


Pero ngayo'y magbakasakali

Balikan nating muli

Ang mga pagkakamali

Iwasto natin ang paligid nating mayumi


#Eleksyon2022

Ang boses natin at tindig

Sabay-sabay pumipintig

Bunsod ng ating pag-ibig

Sa tinubuang lupang, ating daigdig



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...