O MABATHALANG AWA (2022)

 O Mabathalang Awa

Kami'y gabayan t'wina

Ilayo sa pahamak dito sa lupa

Isama sa paraisong dambana


Inialay mo ang 'yong buhay

Para kami'y tubusin sa pagkamatay

Ganoon katibay at kamakapangyarihan

Ang iyong pagmamahal sa sangkatauhan


Sa 'Yong awa kami'y sumasampalataya

Sa 'Yong awa kami'y nananalig at umaasa

Sa 'Yong awa kami'y nagpapatawad sa kapwa

Sa 'Yong awa kami'y lumalakas at sumisigla

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...