MINSANG UMINOG SA 'YO ANG AKING DAIGDIG (2022)

 Sa bawat araw na lumipas

Ikaw ang laman ng alaala kong walang kupas

Sa bawat along humahampas

Alaala mo'y 'di na mababalik ng oras


Kaya't kung ito'y iyong masumpungan

Hinihiling na huwag kalilimutan

Na minsang sa 'yo uminog ang aking daigdig

Kahit mag-isa lang akong umiibig

KWENTONG SINULAT NATING DALAWA (2022)

Umiiyak aking mga mata

Tuloy-tuloy na agos ng luha

Dahil ba sa sakit na nadarama

O dahil sa pangungulila


Kung 'di ka na maalala

Ang puso ko ay 'di magsasawa

Na babalik at gugunita

Sa kwentong sinulat nating dalawa



MAPAGLARO NGA ANG TADHANA (2022)

 Naglipat na ng pahina

Umusad na ng kabanata

Samantalang ako'y naiwan pa

Doon sa pinakaumpisa


Sa librong tayo ang kumatha

Tayo rin ang siyang protagonista

Sadyang mapaglaro nga ang tadhana

Dahil ipinagkait sa 'tin ang wakas na masaya


Bakit ka pa nakilala?

Kung ang gugustuhin ko lang pala

Ay ang mabura at mawala ka

Sa aking mga alaala


Bakit pa sinulat ang nobela?

Kung sakit din pala ang dala

Ng mga iniwan mong alaala

Na bibitbitin hanggang pagtanda

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...