KANDILA (2021)

 Ningas ng kandila 

Sa Maykapal nagmula

Pinatiling nakasindi

Sa mundong sawi


Ilaw na pinanatili

Nang magbigay tanglaw 

Sa dilim at panglaw

Ng masalimuot na daigdig


Kaya't hanggang may sindi

Tanglawang lagi

Nang manalo't maghari

Ang liwanag ay mamayani


Kung maupos yaring ningas

Matunaw ang katawan

Mawala ang angking gilas

Hindi pa ito ang katapusan


Dahil ang ating ilaw

Ay malayo ang nasaklaw

Gabay ng kaluluwang naligaw

Anino sa bawat galaw







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...