PAHINGA (2021)

 Tumalikod man ang mundo

Itakwil man ng lipunang ito

Hangga't nandiyan ka

O aking pahinga


Samahan mo akong lakarin

Ang bato-batong hagdanan

Hawak-kamay nating harapin 

Ang daluyong ng karagatan


Sa mundong pangamba

Ikaw ang hanap ko 

Aking sandalan at kasama

Pahinga at musika

PAG-ASA (2021)

 Ang kapirasong pag-asa

Nagtatawid sa buhay kong nawala

Nawala ang saysay at halaga

Nagpalaboy-laboy, nagpagala-gala


Ang pag-asa kong kapiraso

Ako'y naligaw at napalayo

At iyon naghatid sa 'kin sa iyo

Nasumpungan ako sa dagat ng tao


Ang buoin aking pag-asa

Na dati'y 'di buo, pira-piraso

Ang layunin mo sa iyong puso

Naturuan mong sa pag-ibig ay maniwala


Ako'y iyong iniwan, iniwang buo

Ngunit ikaw ang bahagi

Na hahanap-hanapin kong lagi

Sa buhay kong uminog sa iyong mundo


Ang ngiting minsan kang naging dahilan

Ang luhang tumulo na ikaw ang nasa isipan

Ang puso ko na ikaw ang siyang tinitibok

Ang imahen mong minsa'y para sa 'kin nililok


Nagpapaalam na ako

Nagpapaalam sa alaala na ating binuo

Nagpapalaya na ako

Nagpapalaya dala ang pag-asang bigay mo












MUNTING ROSAS NG LANGIT (2021)

(Alay kay Saint Therese of the Child Jesus)


O munting rosas ng langit

O aming pintakasi kami'y ilapit

Tulunga't akayin nang paraiso'y makamit

Tulad ng halimbawa iyong sinabuhay at sinambit


Talang marikit ng kalangitan 

Tuwa't saklolo ng nanambitan

Nawa'y ipanalangin kaming makasalanan

Nang makasama ka sa langit na bayan


Tanglawan mo mahal naming santo

Tanging daan sa karimlan nitong mundo

At yaring paulanan po ng talutot ng rosas

Ang sa pagpapakabanal na landas

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...