PAG-ASA (2021)

 Ang kapirasong pag-asa

Nagtatawid sa buhay kong nawala

Nawala ang saysay at halaga

Nagpalaboy-laboy, nagpagala-gala


Ang pag-asa kong kapiraso

Ako'y naligaw at napalayo

At iyon naghatid sa 'kin sa iyo

Nasumpungan ako sa dagat ng tao


Ang buoin aking pag-asa

Na dati'y 'di buo, pira-piraso

Ang layunin mo sa iyong puso

Naturuan mong sa pag-ibig ay maniwala


Ako'y iyong iniwan, iniwang buo

Ngunit ikaw ang bahagi

Na hahanap-hanapin kong lagi

Sa buhay kong uminog sa iyong mundo


Ang ngiting minsan kang naging dahilan

Ang luhang tumulo na ikaw ang nasa isipan

Ang puso ko na ikaw ang siyang tinitibok

Ang imahen mong minsa'y para sa 'kin nililok


Nagpapaalam na ako

Nagpapaalam sa alaala na ating binuo

Nagpapalaya na ako

Nagpapalaya dala ang pag-asang bigay mo












Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...