MARTIR (2021)

 Akong alabok lang sa mundo

Ang inaasalang parang hindi tao

Ang sa Diyos din ay hindi nirespeto

Ako pa kayang hamak na bato


Ang tao ay martir sa parusa nitong mundo

Sinamsampal ng salita

Tinatalupan ng tingin

Binubugbog ng bagabag


Martir, martir, martir tayong lahat

Katotohanang masklap 

Sing tanda na ng alamat

Ginhawa'y kailan ba malalasap?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...