Ang balitang nagkalat
Siguraduhing tunay
Bago mo ipagkalat
Nang 'di manira'ng buhay
"Sa mga mahahalimuyak at makukulay na bulaklak ng aking kabataang naisatitik para sa alaalang aking sasariwain at babalik-balikan."
May takip man ang mukha
'Di maikakaila
Sila'y bayaning dakila
Ngayong nagkapandemiya
Sinusuong ang laban
Buhay ay iaalay
Nang maligtas ang bayan
Sila’y dakilang tunay
Oras na ngang sumulat
Tungkol sa ating bayan
Ng kabataang mulat
Sa isyung panlipunan
Halina at umaksiyon
Lumaban't magdesisyon
Ngayon ang s'yang panahon
Wakasan ang opresyon
Kung 'di kikilos
Pano 'to matatapos?
Kung 'di tayo? Sino na?
Ang lilingap sa bansa?
Isang taon na korona
Suot-suot ng madla
Bigat ng pagdadala
'Di maipasa-pasa
Bayang nag-aalala
Sagot ba ang bakuna?
Salot ba'y mapupuksa?
O lalong mapalala?
Tanong ng bawat isa
Ano bang mahalaga?
Bakuna o korona?
Korona o bakuna?
Kaputol na ang tula
Ng ating mga dila
Hinulma ang kultura
Ng tugmaang salita
Taglay ng ating nuno
Sangkap sa pagkukwento
Gamit-gamit ang sulo
Sinasalin ang turo
Ang salitang may ritmo
Gamit sa Kristiyanismo
Nang lumaganap ito
Sa ating mga pulo
Ang mga tulang binhi
Hinasik pa ng bayani
Rebolusyon ng lahi
Laban sa manggagapi
At sa kasalukuyan
Sining na panitikan
Ito'y napagyayaman
Ng makata ng bayan
Tuloy na nananalaytay
Tuloy pagsasalaysay
Hanggang sa magtiwasay
Hanggang bukang-liwayway
Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...