KULTULA: KULTURA NG TULA (2021)

Kaputol na ang tula

Ng ating mga dila

Hinulma ang kultura

Ng tugmaang salita


Taglay ng ating nuno

Sangkap sa pagkukwento

Gamit-gamit ang sulo

Sinasalin ang turo


Ang salitang may ritmo

Gamit sa Kristiyanismo

Nang lumaganap ito

Sa ating mga pulo


Ang mga tulang binhi

Hinasik pa ng bayani

Rebolusyon ng lahi

Laban sa manggagapi


At sa kasalukuyan

Sining na panitikan

Ito'y napagyayaman

Ng makata ng bayan


Tuloy na nananalaytay

Tuloy pagsasalaysay

Hanggang sa magtiwasay

Hanggang bukang-liwayway

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...