MEMORIES OF A GOLDFISH (2025)

a prison made of glass

filled with memories of past

it stays in your heart but it doesn't last

or so i think


swimming inside aquarium

filled with tragic hums

echoing the tugged strings of my heart

and so i hurt


until the day comes when

i lose all the oxygen

then i float to the top

filling in the memories of goldfish, the in between and the gap


ISINUKA (2025)

Nabuo sa sinapupunan

Tumagal nang siyam na buwan

Pagdating ng kapanganakan

Hindi isinilang, kundi isinuka

Niluwa sa lipunang mapanghusga

Nilait mula ulo hanggang paa

Katawan pati kaluluwa

Ano bang kasalanan

Para kutyain, para talikuran

Kung iibig lang naman

Kung magpapakatotoo

Mas gusto ba nilang magsinungaling ako?

Gusto akong magbago

Bakit hindi kayo?


TAKOT SA KALULUWA (2025)

Natatakot ka sa kaluluwa

Ngunit, 'di sa nabubuhay

Magkakaroon lang ba ako ng halaga

Pag ako ay namatay


Buti pa ang 'di nakikita ng mata

Binibigyang-pansin ang nararamdaman

Akong nakikita at nakakasama

Higit pa sa lupa kung tapakan


Siguro sa kabilang buhay

Maghihilom ang mga bukas kong sugat

Sa libingan ko ihihimlay

Matutuyo ito at magiging peklat


BIGLA! (2025)

biglang 'di na ako natatakot tumalon sa ikasampung palapag

para magwakas ang 'di matapos-tapos na sumpa ng magdamag

bakit parang 'di maubos-ubos ang problemang dagdag nang dagdag

ang katawang kalunos-lunos matutulad na sa kaluluwa kong basag


ang ang kulang-kulang kong nakaraan

tumatagos sa naghihingalong kasalukuyan

at sa hinaharap kong walang kasiguraduhan

puputol-putulin ang buhay kong walang katapusan


biglang 'di ako nalulula mataas-taas na gusali

biglang 'di nakakalunod ang malalim-lalim na dagat

biglang nakakaenganyo nang si kamatayan ngumiti

biglang naglakad-lakad sa mga bubog na nakakalat

biglang hindi na ako nabigla

na bigla na lang akong bumulagta



TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...