PANSAMANTAGAL (2022)

Halos dalawang taon na rin ang lumipas

Nang ang mundo’y huminto’t kumupas

Na ang dating dikit-dikit ngayo’y iwas na iwas

At ang papel na dati’y buo ngayo’y may pilas


Gumising na lang na ang laman ng balita

Ay mga taong sa sakit ay  nagdurusa 

Mga minamahal na namayapa na

At mga taong walang laman ang sikmura


Dumating na ang mga gamot at bakuna

Kaya't lumuwag na ang mga polisiya

Dahan-dahang umuusad na ang nakararami

Sa bagong normal na  ang pag-iingat ay matindi


Gaya ito ng sugat na naging peklat Na mananatali’t magtatagal na sa balat ‘Di naman ito makapipigil sa pag-angat Sa panibagong kabanatang isusulat


Ngunit sa bawat kwento ay likas

Na ito ay hahantong din sa wakas

Ang pandemiyang pansamantagal na nag-iwan ng bakas

Nagturo ng babauning sigla sa pagharap sa bagong bukas


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...