BAWAT (2022)

 Bawat titik tumatatak

Sa pusong pinagsasaksak

Sa sakit sumasalampak

Habang ang palalo'y pumapalakpak


Bawat salitang sinusulat

Ang mata'y minumulat

Sa dalamhating dagat

Sa hagupit ng habagat


Bawat tula ay tinutumbok

Ang tunay na tinitibok

Ng pusong pumuputok

Sa dinadaanang dagok


PS: O-M-G 'Di ko aakalain na one year na ang blog ko. Happy Anniversary to my blog! More poetries, short stories, and random entries to come. 



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...